Frequently Asked Questions

May tanong tungkol sa Family Planning?

Narito ang mga sagot sa mga madalas na tinatanong tungkol sa pagkuha at paggamit ng FP. 

Para sa karagdagang impormasyon, kumonsulta na sa pinakamalapit na Health Center

Ano ang pagpaplano ng pamilya?
+

Ito ay ang paggamit ng ligtas at epektibong contraceptive upang ipagpaliban ang pagbubuntis. Ibig sabihin pwede kang magka-baby sa panahong gusto mo na o pwedeing itigil na ang panganganak kapag kumpleto na ang iyong pamilya.

Kailan ko pwede simulan ang pag-FP o pagpaplano ng pamilya?
+

Pwede kang gumamit ng FP kung nakikipagtalik ka pero ayaw mo pa munang magka-baby. Walang tama o maling panahon para simulan ang paggamit ng FP method. Punta ka lang sa pinakamalapit na center o clinic para makuha ang contraceptive na swak sa ‘yo.

Kailangan ko bang kumonsulta sa doktor bago makapili ng method?
+

Mas mainam na kausapin ang isang doktor, nars o midwife tungkol sa mga methods na maari mong pagpilian. Papayuhan ka nila kung ano ang bagay na method sa sitwasyon mo. Pero kung gusto mo gumamit ng condom, hindi mo kailangan magpakonsulta. Libre ang mga condom sa health center o kaya pwede itong bilhin sa pharmacies at convenience stores.

Ano ang pinakaligtas na FP method?
+
Lahat ng FP method ay safe and effective para maiwasan ang pag bubuntis. Meyroon lang mga method na mas mabisa kaysa sa iba.
URI NG FPMabisa Hanggang
Implant3 – 5 na taon
Pills1 buwan
IUD Levonorgestrel Hormone5 taon
IUD Copper o tanso10-12 taon
Saan pwede kumuha ng mga FP methods?
+

Punta lang sa pinakamalapit sa na health center o FP clinic para kumuha ng libreng FP method. Pwede ka rin bumili ng pills sa pharamcies at condom sa convenience stores.