KWENTONG FP!
Hindi ka nag-iisa. Narito ang iba’t ibang kwento ng mga Pinoy at Pinay na piniling gumamit ng FP!
Evangeline, Marinel, at Juanita
pinili ang Injectables“Ngayong Family Planning month, let’s celebrate and honor the work of our health workers na kasama natin sa FP journey! Panoorin ang Kwentong FP episode natin today upang malaman paano magkaroon ng mainam na pagitan ng pagbubuntis o "Healthy Birth Spacing" mula sa karanasan nila Evangeline, Marinel, at Juanita bilang FP health workers.”
Marife at Andrea
pinili ang Injectables “Mga momshies! Panoorin ang Kwentong FP episode natin para malaman ang mga tips nila Marife at Andrea para sa mga kapwa misis na gustong mag FP.
”
Adrian
pinili ang paggamit ng Condom“Ang Family Planning ay hindi lang para sa mga babae, para din ito sa ating mga kalalakihan. Panoorin ang Kwentong FP episode natin today para malaman kung bakit ang mga kalalakihan ay pwedeng-pwede rin gumamit ng FP method bukod kay misis. Ipakita ang suporta kay misis / partner dahil ang tunay na lalaki, nagpaplano!”
Adrian at Andrea
pinili ang Injectables“Panoorin ang Kwentong FP episode natin today at kilalanin sila Adrian at Andrea. Alamin kung paano nakatulong ang health center sa kanilang FP journey at matuto sa kanilang karanasan bilang mga kabataan na piniling mag-family planning para sa kanilang kinabukasan. ”
Marlon at Joan
pinili ang Injectables“It’s Kwentong FP time mga misis at mister! Panoorin ang kwento nila Joan at Marlon na piniling pag-usapan ang family planning together para future ng kanilang pamilya ay better! Kung pareho kayong ready ni partner, mas magiging maayos ang family planning journey ninyo together.”
Vincent at Marife
pinili ang Injectables “Ngayong Family Planning month, kilalanin ang iba’t ibang Kwentong FP ng mga pinoy at pinay na pumiling gumamit ng FP!
Panoorin ang kwento nila Marife and Vincent at alamin kung bakit mahalagang pag-usapan ng mga mag-partner ang paggamit ng FP!”
Alex
pinili ang Vasectomy “Ang naging epekto ng Vasectomy sa akin ay maayos naman at normal lalo na sa sex…natuwa din si [misis] dahil wala nang kaba na madagdagan pa ang anak. Sapat na kasi sa amin ang tatlo kaya ako nagpa Vasectomy.
Bilang asawa, kailangan lang magkasundo kayo sa lahat ng desisyon para kung ano ang plano niyo sa dami ng anak na inyong binabalak…para mapalaki namin ng maayos at mapag-aral sila hanggang sa kanilang paglaki.”
Joy
pinili ang Ligation “Sinabay ko po ang pag Ligate sa akin nung pagkapanganak ko sa bunso ko. Dahil nga Cesarean ako, ayaw ko na po madagdagan ang anak ko…hindi namin alam kung mapapa-aral ba namin sila… mapapakain ba, maibibigay ba ang lahat ng kanilang pangangailangan…
Sa pagbuo ng pamilya kailangan magkaroon po tayo ng gap sa mga bubuuin na anak.”
Daisy & Mario
pili ang paggamit ng IUD“Wala akong nararamdamang sakit... madali lang sa amin, sobrang komportable. Masasabi rin natin na kaya rin nating magbigay ng full support financially at kung ano ang pangangailangan ng bata dahil tatlo sila. Kaya kinukumbinsi kita kung mahina ka, bakit hindi? Magpapatuloy ang kaligayahan!”
Lani
gumagamit ng Injectables “Masaya, kasi kahit papaano wala na yung pangamba ko na hindi na ko mag-aalala pa na mabuntis ako…
Sa mga kagaya kong nanay na ayaw mapabayaan ang ating mga anak, sa pag-laki, pag tanda, hinihikayat ko po kayong gumamit ng mga contraceptives na ayon sa kagustuhan po ninyo. Na pwede naman po tayong tumawag sa mga health center na malapit po sa atin, sa mga Barangay. Para rin po sa mabilis at mabisang pamamaraan. Tayo po’y lumapit sa mga health center at gumamit ng contraceptive.”