Kwentong FP!

Hindi ka nag-iisa. Narito ang iba’t ibang kwento ng mga Pinoy at Pinay na piniling gumamit ng FP!

Lani, gumagamit ng Injectables

“Masaya, kasi kahit papaano wala na yung pangamba ko na hindi na ko mag-aalala pa na mabuntis ako…

Sa mga kagaya kong nanay na ayaw mapabayaan ang ating mga anak, sa pag-laki, pag tanda, hinihikayat ko po kayong gumamit ng mga contraceptives na ayon sa kagustuhan po ninyo. Na pwede naman po tayong tumawag sa mga health center na malapit po sa atin, sa mga Barangay. Para rin po sa mabilis at mabisang pamamaraan. Tayo po’y lumapit sa mga health center at gumamit ng contraceptive.”

Daisy & Mario, gipili ang paggamit og IUD para sa pamilya

“Wa ko kabati og sakit… sayon sa amoa, komportable kaayo ba. Makaingon pud mi nga ikahatag pud namo ang full nga suporta financially ug unsa pa ang mga needs sa bata kay three man sila. So I convince you kung hiyang ka, why not? Tuloy tuloy ang happiness!”

(I didn’t feel any pain…it’s easy for us, very comfortable. We can also say that we can give our full support financially and the other needs of our children because they are three. So I convince you if the method is fit for you, why not? It’s continuous happiness!)

Joy, pinili ang Ligation

“Sinabay ko po ang pag Ligate sa akin nung pagkapanganak ko sa bunso ko. Dahil nga Cesarean ako, ayaw ko na po madagdagan ang anak ko…hindi namin alam kung mapapa-aral ba namin sila…mapapakain ba, maibibigay ba ang lahat ng kanilang pangangailangan…Sa pagbuo ng pamilya kailangan magkaroon po tayo ng gap sa mga bubuuin na anak.”

Alex, pinili ang Vasectomy

“Ang naging epekto ng Vasectomy sa akin ay maayos naman at normal lalo na sa sex…natuwa din si [misis] dahil wala nang kaba na madagdagan pa ang anak. Sapat na kasi sa amin ang tatlo kaya ako nagpa Vasectomy.

Bilang asawa, kailangan lang magkasundo kayo sa lahat ng desisyon para kung ano ang plano niyo sa dami ng anak na inyong binabalak…para mapalaki namin ng maayos at mapag-aral sila hanggang sa kanilang paglaki.”