Frequently Asked Questions


Ito ay ang paggamit ng ligtas at epektibong contraceptive upang ipagpaliban ang pagbubuntis. Ibig sabihin pwede kang magka-baby sa panahong gusto mo na o pwedeing itigil na ang panganganak kapag kumpleto na ang iyong pamilya.


Pwede kang gumamit ng FP kung nakikipagtalik ka pero ayaw mo pa munang magka-baby. Walang tama o maling panahon para simulan ang paggamit ng FP method. Punta ka lang sa pinakamalapit na center o clinic para makuha ang contraceptive na swak sa ‘yo.

Kailangan ko bang kumonsulta sa doktor bago makapili ng method?
Mas mainam na kausapin ang isang doktor, nars o midwife tungkol sa mga methods na maari mong pagpilian. Papayuhan ka nila kung ano ang bagay na method sa sitwasyon mo. Pero kung gusto mo gumamit ng condom, hindi mo kailangan magpakonsulta. Libre ang mga condom sa health center o kaya pwede itong bilhin sa pharmacies at convenience stores.

Ano ang pinakaligtas na FP method?
Lahat ng FP method ay safe and effective para maiwasan ang pag bubuntis. Meyroon lang mga method na mas mabisa kaysa sa iba.
URI NG FP | Mabisa Hangang |
Implant | 3 – 5 na taon |
Pills | 1 buwan |
IUD Levonorgestrel Hormone |
5 taon |
IUD Copper o tanso |
10-12 taon |
Injectable | 2 o 3 buwan Pagkatapos magpa-inject ulit |
Condoms | Tuwing nakikipagtalik |
Fertility Awareness Methods |
Hangga’t umiiwas ka sa pakikipagtalik o gumagamit ng ibang uri ng FP sa mga araw n ika’y fertile o maaaring mabuntis |
Maari mong tignan ang mga method dito:

Saan pwede kumuha ng mga FP methods?
Punta lang sa pinakamalapit sa na health center o FP clinic para kumuha ng libreng FP method. Pwede ka rin bumili ng pills sa pharamcies at condom sa convenience stores.