FAMILY PLANNING METHOD

Vasectomy

Para sa mga Pinoy!

PAGKA-EPEKTIBO

99.5%

lubhang mabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis

LIBRE ITO! Libreng kumuha ng VASECTOMY sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth!

MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG VASECTOMY

  • Hindi ka makakabuntis. Makipaglambingan ng walang pag-aalala!

  • Ang vasectomy ay ligtas at madali. Hindi ito nakakasagabal sa pakikipagtalik.

  • May iilan lang na side effect o komplikasyon.

  • Inaalis nito ang hirap sa paggamit ng contraception (at ang posibleng side effect nito) sa iyong partner.

  • Maraming lalaki ang nagsasabing mas nag-eenjoy sila sa pakikipagtalik dahil kampante silang hindi makakabuntis. Hindi na kailangan ng withdrawal.

PAANO ITO GAMITIN

No-Scalpel Vasectomy (NSV)

Sa isang maiksing operasyon, ang doktor ay gagawa ng maliit na hiwa sa bayag at puputulin, itatali, o haharangan ang vas deferens—ang tubo na nagdadala ng mga sperm kapag nilalabasan ang lalaki, kaya naman hindi na ito makakabuntis pa

Sa Pilipinas, No-Scalpel Vasectomy (NSV) ang karaniwang operasyon dahil gumagamit lang ng karayom para tusukin ang balat imbes na gumawa ng hiwa gamit ang scalpel.

Pagkatapos ng tatlong buwan ng paghihintay, wala nang kailangan pang gawin.

TANDAAN

  • !

    Ang vasectomy ay permanente. Kaya kung gusto pa ninyong magkaanak, kailangan ninyo munang gumamit ng ibang pamamaraan ng family planning. Hindi pa ito gaanong epektibo hanggang sa ika-tatlong buwan matapos ang operasyon. Habang naghihintay ng ikatlong buwan, kakailanganin pa ring gumamit ng ibang pamamaraan ng FP upang maiwasan ang pagbubuntis

  • !

    Ito ay ligtas at pwedeng gawin kailanman naisin ng isang lalaki. Matapos ang operasyon, magpahinga sa loob ng isa o dalawang araw at panatilihing malinis at tuyo ang sugat sa loob ng 1 o 2 araw. Mag-follow up sa iyong doktor ayon sa panuto nito.

MGA MALING AKALA TUNGKOL SA VASECTOMY
  • circle-x
    Nagpapahina sa lalaki o nagpapababa ng pagkalalaki ito
    Maraming kalalakihan na ang sumubok nito! Hindi ito nagpapababa ng sex drive o sexual function. Hindi inaalis o hinihiwa ang bayag kapag nagpa-vasectomy.
  • circle-x
    Hindi ka na lalabasan ng tamod pagkatapos nito
    Pagkatapos ng vasectomy, lalabasan ka pa rin ng semilya pero wala na itong sperm. Ang sperm ay mapupunta na lang sa katawan mo.
  • circle-x
    Nagbibigay ito ng proteksyon laban sa mga sexually transmitted infections (STIs)
    Kailangan mo pa ring gumamit ng condom para protektahan ang sarili mo laban sa HIV o STIs.
Mga karaniwang tanong tungkol sa VASECTOMY
Ano ang dapat kong gawin kung gusto ko pang makabuntis?

Kung gusto pa ninyong magkaanak, kailangan ninyong gumamit ng ibang pamamaraan ng family planning.

Pwede ko bang ipabalik ang vasectomy?

Ang nagpa-vasectomy na ay karaniwang hindi na naibabalik pa. Ang reversal surgery ay karaniwang hindi available sa maraming lugar at ito ay mahal. At kahit maibalik ay halos hindi rin nagdudulot ng muling pagbubuntis.

Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!

Usap Tayo sa FP Helpline:
09175970770 | 09988652810

Hanapin ang Pinakamalapit na Health Center o Clinic

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para mahanap ang FP na swak sa'yo!