FAMILY PLANNING METHOD
Pills
madalas gamitin ng mga pinay
PAGKA-EPEKTIBO
99% | 93% |
kung iinumin araw-araw sa takdang oras | sa karaniwang paggamit ng mga kababaihan sa buong mundo |
MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG IUD
Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!
Maaaring mabawasan o lubusang mawawala ang pananakit ng puson.
Maaaring pigilan ang malakas na regla at anemia.
Maaaring bawasan ang labis na pagtubo ng buhok sa mukha o katawan.
PAANO ITO GAMITIN
Uminom ng 1 pill araw-araw sa takdang oras kahit makikipagtalik man o hindi. mayroong dalawang bilang ang isang pakete ng pills
Uminom ng 1 pill araw-araw hanggang maubos ang pakete.
Simulan ang bagong pakete sa susunod na araw matapos maubos ang naunang pakete.
Uminom ng 1 pill araw-araw hanggang maubos ang pakete.
Pagkaubos ng naunang pakete, wag uminom ng pill sa susunod na 7 araw. Pagkatapos nito, simulan ang bagong pakete.
TANDAAN
- !
Simulan ang iyong bagong pakete sa takdang oras, pagkatapos mong maubos ang naunang pakete, o pagkatapos ng 7 araw na paghinto. Mahalaga ito para sa matagumpay na paggamit ng pills. Palagi kang magsisimula ng bagong pakete sa parehong araw ng linggo.
- !
Siguraduhing may bago ka nang pakete ng pills sa bahay at handa nang magsimula sa takdang oras. Kung hindi ka makapupunta sa health center para sa bagong pakete, kontakin ang Barangay Health Worker o Barangay Population Volunteer sa inyong lugar para dito, o pumunta sa botika dala ang iyong pakete ng pills.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA PILLS
- Minsan kapag gumagamit ang babae ng pills na may hormones, umiikli at gumagaan o pwedeng tumigil ang kanyang regla. Wag mag-alala, dahil hindi ito nakasasama.. Ito ay dahil wala nang ginagawang bagong sapin ang matris ng babae kada buwan. Walang sapin–walang regla! Ito ay katulad ng pagtigil ng regla habang buntis dahil sa epekto ng hormones.
- Maaaring hindi ka na mabuntis pagkatapos mag-pills
Babalik din ang iyong regla sa ilang linggo matapos itigil ang pag-inom ng pills at pwede ka nang mabuntis.
Mga karaniwang tanong tungkol sa PILLS
Wag mag-alala. Normal ang mga ito at nawawala rin pagkatapos ng ilang linggo o buwan ng paggamit ng pills.
Pwede ka pang humabol at protektahan ang iyong sarili mula sa pagbubuntis. Uminom ng 1 pill na iyong nakalimutan sa sandaling maalala mo ito. Ipagpatuloy ang pag-inom ng mga natitirang pills sa iyong pakete.
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810