FAMILY PLANNING METHOD

Ligation

Popular sa mga may asawang Pinay!

PAGKA-EPEKTIBO

99.5%

lubhang mabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis

LIBRE ITO! Libreng kumuha ng LIGATION sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth!

MGA BENEPISYO SA LIGATION

  • Mabisa para maiwasan ang pagbubuntis. Pagkatapos ng BTL, hindi ka na mabubuntis pa. Makipaglambingan ng walang pag-aalala!

  • Hindi ito nakakasagabal sa pakikipagtalik. Hindi nila mapapansin na nagpa-ligate ka.

  • Proteksyon laban sa pelvic inflammatory disease (PID) at maaari ring magbigay proteksyon laban sa ovarian cancer.

PAANO ITO GINAGAWA

Bilateral Tubal Ligation (BTL)

May dalawang uri ang operasyon ng ligation sa Pilipinas:

Minilaparotomy – Hihiwa ang doktor malapit sa iyong pusod at hahanapin ang iyong fallopian tubes at puputulin o itatali ito.

Laparoscopy – Magpapasok sa tiyan ng maliit na tubo na may magnifying lens at ilaw para makita ng doktor ang fallopian tube at isara ito. Lalagyan ng hangin ang tiyan mo para mas madaling makita ng doktor ang iyong fallopian tubes.

Kapag nagpa-ligate ka na, wala ka nang gagawin para maiwasang mabuntis. Hindi mo na kailangang uminom ng pills, injections, o iba pang paraan ng contraceptive.

TANDAAN

  • !

    Ang BTL ay isang ligtas at permanenteng pamamaraan ng FP. Ito ay para sa mga kababaihang ayaw nang manganak pa. Tanging ang mga eksperto lamang ang maaaring gumawa ng operasyong ito. Pwede kang magpa-ligate ano mang araw ng buwan basta sigurado kang hindi ka buntis.

  • !

    Karamihan sa mga babaeng nagpa-ligate ay hindi naman nagkakaproblema pagkatapos magpa-ligate. Karaniwan lang na makaramdam ng pagkirot dahil sa hiwa o pagsakit ng tiyan. Karamihan naman ay nakaka-recover na pagkatapos ng ilang araw. Kapag nakararanas ka ng matinding kirot, lagnat, matagal na pamamaga o pagdurugo ng sugat, tumawag kaagad sa iyong doktor o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

MGA MALING AKALA TUNGKOL SA LIGATION
  • circle-x 
    Nag-aalis ito ng uterus ng babae o nakapagdudulot ng pinsala sa uterine
    Gumagana ang ligation sa pamamagitan ng pagharang o pagputol ng fallopian tubes para ang itlog ay hindi makababa at magtagpo ng sperm. Ang mga itlog ay maaabsorb sa katawan ng babae.
  • circle-x 
    Nakakapagpabago ito ng menstrual cycle ng babae
    Pagkatapos ng ligation, magkakaregla ka pa rin kada buwan hanggang sa mag-menopause ka. Hindi rin ito nagdudulot ng hormonal imbalance.
Mga karaniwang tanong tungkol sa LIGATION
Ano ang dapat mong gawin kung gusto mo nang mabuntis?

Kung gusto mo pang magkaanak, dapat gumamit ka na lang ng ibang pamamaraan ng family planning. Ang operasyon ng reverse ligation ay sobrang mahal, masakit, at karaniwang hindi available. At halos hindi rin nagdudulot ito ng muling pagbubuntis.

Kailan ako pwede magpa-ligate pagkatapos kong manganak?

Pwede kang magpa-ligate sa loob ng 7 araw pagkatapos mong manganak. Kung mahigit 7 araw na pagkatapos mong manganak, maghintay ng anim na linggo at siguraduhing hindi ka pa buntis ulit.

Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!

Usap Tayo sa FP Helpline:
09175970770 | 09988652810

Hanapin ang Pinakamalapit na Health Center o Clinic

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para mahanap ang FP na swak sa'yo!