FAMILY PLANNING METHOD
LAM
Para sa mga inang gustong gawin ang eksklusibong pagpapasuso
PAGKA-EPEKTIBO
98%
Mabisa sa limitadong panahon
MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG IMPLANT
Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!
Hindi ka gagastos dito at walang side effect.
Hindi kailangan ng operasyon o anumang gamit.
PAANO ITO GAMITIN
Ikaw ay eksklusibong nagpapasuso. – Pinasususo mo ang iyong sanggol tuwing 4 na oras sa araw at kada 6 na oras sa gabi. Tanging gatas mo lamang ang kinukunsumo bilang pagkain ng sanggol (walang tubig, anumang inumin, o ibang pagkain).
Hindi pa bumabalik ang iyong regla.
Wala pang 6 na buwan ang iyong sanggol.
TANDAAN
- !
Planuhin ang pagkuha ng bagong uri ng FP nang ilang linggo matapos ang iyong panganganak. Importanteng pag-isipan ng maaga ang paggamit ng ibang uri ng FP bago bumalik ang iyong regla, o bago umabot ng 6 na buwan ang iyong sanggol, o bago ka tumigil sa eksklusibong pagpapasuso. Kumunsulta sa inyong doktor, nars o midwife kapag nasa 4 buwang gulang na ang sanggol mo o mas maaga pa, at pumili ng ibang uri ng FP na gagamitin.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA LAM
- Ang LAM ay kayang gawin ng lahat ng babaeng bagong panganak
May ilang Pinay na nahihirapan sa eksklusibong pagpapasuso ng 6 na buwan. Pwede silang gumamit ng ibang uri ng FP para maiwasan ang pagbubuntis. - Kailangan itigil ang pagpapasuso para makagamit ng ibang FP
May ilang uri ng FP na pwede mong gamitin kapag hindi ka na protektado sa pagbubuntisng LAM gaya ng BTL (Bilateral Tubal Ligation), implat, UID, injectable, pills, condoms. Walang epekto ang mga ito sa iyong gatas o sa sanggol mo.
Mga karaniwang tanong tungkol sa LAM
Pwede mo itong simulan pagkatapos ng iyong panganganak.
Kahit nakakapagpalabas ka ng gatas subalit hindi mo kasama ang iyong anak sa mahabang oras, hindi ito magiging gaanong epektibo upang maiwasan ang pagbubuntis.
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810