FAMILY PLANNING METHOD
IUD
Protectado ng hanggang 10 taon
PAGKA-EPEKTIBO
99%
mabisa at pangmatagalan depende sa klase ng IUD
MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG IUD
Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!
Hindi humahadlang ang IUD sa pakikipagtalik.
Ito ay epektibo.
Ito ay pribado. Walang nakaaalam na gumagamit ka ng IUD.
Maaari mong ipatanggal kung gusto mo nang mabuntis.
PAANO ITO GAMITIN
Ang IUD ay isang maliit at nababaluktot na plastic na hugis “T” na may maikling sinulid sa dulo. Inilalagay ito sa iyong matris. Nananatili ito doon na parang binhi sa loob ng kabibe.
Hindi ito gumagalaw sa loob ng iyong katawan.
Kapag nasa matris mo na ang IUD, wala ka nang ibang kailangang gawin!
TANDAAN
- !
Minsan kapg gumagamit ang babae ng IUD na may hormones, umiikli at gumagaan o pwedeng tumigil ang kanyang regla. Ito ay dahil wala nang ginagawang bagong sapin ang kanyang matris kada buwan. Walang sapin—walang regla!
- !
Kung gusto mo nang magbuntis, kailangan mo lang ipatanggal ang IUD. Pwede lamang itong ilagay o tanggalin ng doktor, nars, o midwife na pinagsanay sa pagtanggal ng IUD. Tawagan o balikan sila kung ikaw ay nakararanas ng matinding sakit sa iyong puson o kung pakiramdam mo ay lumalabas ang IUD sa iyong matris.
Bihira lamang ang mga komplikasyong dulot ng paggamit ng IUD. Tawagan o balikan ang iyong doktor, nars, o midwife kung:
- Hindi mo na maramdaman ang sinulid o parang humaba ito.
- Kung pakiramdam mo ay lumalabas ang IUD sa iyong matris, at
- Kung tumitindi ang nararamdaman mong sakit sa iyong puson, nakararanas ng sakit habang nakikipagtalik, hindi pangkaraniwang pagkabasa galing sa pwerta, lagnat, panginginig, pagkahilo at nasusuka, lalo na sa unang 20 na araw pagkatapos mong malagyan ng IUD.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA IUD
- Nakasasama ang hindi regular o pagtigil ng regla
Ang pagtigil ng regla habang gamit ang IUD ay katulad ng kawalan ng regla habang buntis dahil sa epekto ng hormones. Hindi ka buntis at hindi natitipon ang dugo sa loob sa iyong katawan.. - Maaaring magka-impeksyon at ‘di na mabuntis pagkatapos gumamit ng IUD
Bihira lamang ang mga komplikasyong dulot ng paggamit ng IUD. Pwedeng mabuntis kapag hihinto ka na sa paggamit ng IUD.
Mga karaniwang tanong tungkol sa Implant
Kung sigurado kang hindi ka buntis, pwede itong ipalagay kahit kailan mo gusto, kahit na wala kang regla ngayon.
Pwede ring magpalagay agad ng IUD sa loob ng 48 oras pagkatapos mong manganak, kasama ang c-section. Kung higit na sa 48 oras ang nakalipas pagkatapos mong manganak, maghintay hanggang maging 4 na linggo na ang iyong sanggol bago magpalagay ng IUD.
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810