FAMILY PLANNING METHOD
Injectables
PAGKA-EPEKTIBO
96%
Mabisa sa pag-iwas ng pagbubuntis
MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG INJECTABLES
Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!
Hindi humahadlang ang injectable sa pakikipagtalik.
Ito ay epektibo.
Ito ay pribado. Walang nakaaalam na gumagamit ka ng injectable.
Kung nagpapasuso ka ng sanggol, pwede kang gumamit ng injectable.
Pwedeng itigil kung gusto mo nang mabuntis.
PAANO ITO GAMITIN
Kailangan mo lang tandaan kung kailan ka dapat bumalik para kunin ang susunod na injectable.
Maliban dito, wala ka nang iba pang kailangang gawin.
- Markahan ang kalendaryo para hindi makalimutang bumalik sa klinika. Pwede ka ring mag-set ng alarm o paalala sa cellphone.
- Magpaalala sa partner mo. Pwede rin siyang mag-set ng alarm o paalala sa cellphone niya.
TANDAAN
- !
Magpapaturok ka kada 2 o 3 buwan, depende sa brand. Ito ay mabisa kung magpapaturok sa takdang iskedyul.
- !
Kung gusto mo nang mabuntis, itigil ang pagkuha ng injectable at hintayin hanggang mawala ang bisa ng injectable. Maaaring tumagal ito nang ilang buwan, pero babalik din ang iyong regla, at pwede ka nang mabuntis. Madali lang, ‘di ba?
Karamihan sa mga pinay ang gumagamit ng injectable nang walang problema. Pero may mga nakararanas ng mga sumusunod:
- Pagbabago sa regla. Pwede itong maging mas malakas o mahina, maging hindi regular o hindi madalas, o mas mahaba kumpara sa nakasanayan.
- Maaaring hindi ka magkaroon ng regla habang gumagamit ng injectable.
- Karaniwan ang mga pagbabagong ito sa iyong regla, at hindi nakasasama.
- May mga babaeng gumagamit ng injectable na maaaring tumaas ang timbang, makararanas ng pananakit ng ulo, at may ilan na makararanas ng pagkahilo.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA INJECTABLES
- Natitipon ang dugo sa loob sa iyong katawan
AMinsan kapag gumagamit ang babae ng FP na may hormones (tulad ng pill, implant, o injectable), umiikli at gumagaan o pwedeng tumigil ang kanyang regla. Wala nang ginagawang bagong sapin ang kanyang katawan sa matris. Dahil wala nang sapin, hindi na ito lumalabas sa katawan bilang regla subalit hindi ito natitipon sa iyong katawan. - Maaaring hindi ka mabuntis matapos gumamit ng injectable
Hindi nakasasama ang hindi regular, pagkagaan, o pagtigil ng regla. Hindi ibig sabihin nito na hindi ka na pwedeng mabuntis kapag hihinto ka na sa paggamit ng injectable.
Mga karaniwang tanong tungkol sa INJECTABLES
Pansamantala nitong pinipigilan ang iyong katawan sa paglabas ng mga itlog galing sa iyong obaryo (ovaries), para hindi ka mabuntis.
Bukod sa pagbabago sa regla, may mga babaeng gumagamit ng injectable na maaaring tumaas ang timbang, makararanas ng pananakit ng ulo, at may ilan na makararanas ng pagkahilo. Normal ang mga ito at nawawala rin sa paglipas ng ilang linggo o buwan.
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810