FAMILY PLANNING METHOD

Implant

Trending sa mga Pinay

PAGKA-EPEKTIBO

99%

mabisa mula 3 hanggang 5 taon

LIBRE ITO! Libreng kumuha ng IMPLANT sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth!

MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG IMPLANT

  • Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!

  • Hindi humahadlang ang implant sa pakikipagtalik.

  • Ito ay epektibo ay hindi permanente

  • Madaling tanggalin kung gusto mo nang mabuntis.

PAANO ITO GAMITIN

Ang implant ay isang malambot na plastic na kasinliit ng palito ng posporo at ipinapasok ng doktor, nars, or midwife sa ilalim ng balat ng braso gamit ang isang applicator.

Kapag nasa ilalim na ng balat ng braso mo ang implant, wala ka nang ibang kailangang gawin!

TANDAAN

  • !

    Kung kailangan nang tanggalin ang implant at hindi mo pa planong mabuntis, pwede kang kumuha agad ng bagong implant. Bumalik sa health center o ospital kung kung sumasakit o nagiging mapula ang braso mo sa mga araw kasunod ng pagpapalagay mo ng implant, o kung lumalabas ang implant.

  • !

    Kung gusto mo nang magbuntis, kailangan mo lang ipatanggal ang implant. Pwede itong tanggalin ng doktor, nars, o midwife na nagsanay sa pagtanggal ng implant. Babalik din sa madaling panahon ang iyong regla. Ang dali-dali lang!

Karamihan sa mga pinay ang gumagamit ng implant nang walang problema.Pero may mga nakararanas ng mga sumusunod:

Huwag mag-alala. Normal ang mga ito at pansamantala

  • Pansamantalang sakit sa braso kung saan ipinasok ang implant.
  • Pagbabago sa regla (mas madalas, matagal, maikli o mawawala). Karaniwan ang mga pagbabagong ito pero hindi nakasasama.
  • Pagbabago sa timbang, pananakit ng suso, pagkahilo, sakit ng ulo.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA IMPLANT
  • circle-x
    Gumagalaw ang implant sa loob ng katawan
    Nananatili ang implant sa ilalim ng balat ng braso mo. Madali itong makakapa, pero hindi ito lumilitaw o gumagalaw sa loob ng katawan.
  • circle-x
    Nakasasama ang hindi regular o pagtigil ng regla
    Ang pagtigil ng regla habang gamit ang Implant ay katulad ng kawalan ng regla habang buntis dahil sa epekto ng hormones. Hindi rin natitipon ang dugo sa loob sa iyong katawan.
Mga karaniwang tanong tungkol sa Implant
Ano ang mangyayari kung mananatili ang expired na implant sa loob ng braso?

Hindi naman mapanganib kung mananatili ang implant sa loob ng braso, pero hindi na ito makapagbibigay ng proteksyon laban sa pagbubuntis.

Kailan ako pwedeng magpalagay ng implant pagkatapos kong manganak?

Pwede nang magpalagay agad ng implant pagkatapos mong manganak. Hindi mo kailangang maghintay. Ang pagpapalagay ng implant ay hindi rin makakaapekto sa pagpapasuso.

Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!

Usap Tayo sa FP Helpline:
09175970770 | 09988652810

Hanapin ang Pinakamalapit na Health Center o Clinic

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para mahanap ang FP na swak sa'yo!