FAMILY PLANNING METHOD

Fertility Awareness Methods

PAGKA-EPEKTIBO

85-88%

Depende sa method na ginagamit

LIBRE ITO! Libreng kumuha ng FERTILITY AWARENESS METHODS sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth!

MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG FAMs

  • Hindi ka gagastos dito at walang side effect.

  • Maaari itong gamitin para malaman mo ang araw na fertile ka para makatulong na mabuntis o maiwasang mabuntis.

  • Hindi kailangan ng operasyon o anumang gamit.

  • Tumutulong ito sa mga kababaihan na makilala ng higit pa ang kanilang katawan at fertility cycle.

PAANO ITO GAMITIN

Subaybayan ang mga araw kung ikaw ay fertile o posibleng mabuntis upang maiwasan ang pakikipagtalik at hindi ka mabuntis.

CALENDAR-BASED METHOD

Ito ay pag-alam sa mga araw ng iyong menstrual cycle para malaman ang simula at pagtatapos ng mga araw na fertile ka.

Standard Days Method:

Isa itong calendar-based method na ginagamitan ng CycleBeads para i-track ang kanilang menstrual cycle. Sa SDM, ang ika-8 hanggang ika-19 na araw ang panahon na fertile ka. Kailangan mong umiwas sa hindi protektadong pakikipagtalik para maiwasan mabuntis

SYMPTOMS-BASED METHOD

Two-Day Method:

Tanungin ang sarili kung may nakita kang cervical secretion ngayong araw o kahapon. Kung parehong oo ang iyong sagot, ituring mong fertile ka at umiwas sa hindi protektadong pakikipagtalik kung ayaw mong mabuntis.

Basal Body Temperature (BBT):

Ito ay base sa obserbasyon na kapag ang katawan ng babae ay naglalabas ng itlog, ang kanyang temperatura ay bahagyang tumataas. Hindi ka naman mabubuntis kung iiwas ka sa pakikipagtalik mula sa simula ng iyong regla hanggang sa ikatlong araw matapos ang pagtaas ng iyong temperatura.

TANDAAN

  • !

    Mahalagang kausapin ang iyong partner tungkol sa iyong cycle at kung kailan ka maaaring mabuntis. Ikaw at ang iyong partner ay dapat na umiwas sa hindi protektadong pagtatalik sa mga araw na fertile ka. May ilang mag-asawa ang nahihirapan dito. Hindi rin ito nakapagbibigay proteksyon laban sa STIs. Kailangan mong gumamit ng condom bilang proteksyon laban sa HIV at STIs.

  • !

    Kausapin ang iyong health care provider bago gumamit o lumipat sa fertility awareness method. Kailangan mo ng gabay at turo para matagumpay na magamit ito sa loob ng mahabang panahon. Magiging epektibo ang FAM kung tama ang paggamit nito. Kailangan mong maging tapat sa pagsunod dito.

MGA MALING AKALA TUNGKOL SA IUD
  • circle-x 
    Nakakatakot gamitin ang FAMs
    Maraming mga Pinay ang subok na ang pagka-epektibo ng FAMs! Kailangan mo lamang sundin ito nang mabuti. Mukha itong komplikado sa una, pero kapag nalaman mo na ang iyong cycle, mas madali mo na itong magagamit.
  • circle-x 
    Ang FAMs ay para lamang sa mga babaeng may regular cycle
    Maaari pa rin namang magamit ang FAMs kahit pa iregular ang cycle mo. Kailangan mong malaman ang araw ng iyong regla at tantiyahin ang tagal nito. Ang isang bihasang FAM provider ay maaari kang matulungan dito.
Mga karaniwang tanong tungkol sa FAMs
Ano ang dapat mong gawin kung gusto ko pang mabuntis??

Ang fertility awareness method ay maaaring itigil anumang oras at ang babae ay maaari nang magbuntis agad. Pwede mong magamit ang kaalaman mo sa iyong cycle para alamin ang pinakatamang araw ng buwan para ka mabuntis.

Pwede ba akong gumamit ng ibang FP method kasabay ng FAMs?

Dapat ninyong iwasang mag-partner ang pagtatalik o gumamit ng ibang uri ng FP sa mga araw na ika’y fertile o maaaring mabuntis.

Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!

Usap Tayo sa FP Helpline:
09175970770 | 09988652810

Hanapin ang Pinakamalapit na Health Center o Clinic

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para mahanap ang FP na swak sa'yo!