FAMILY PLANNING METHOD
Condom
Proteksyon laban sa HIV o STI
PAGKA-EPEKTIBO
87%
Mabisa kung ginagamit nang tama
MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG CONDOM
Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!
Ito ay epektibo.
Walang hormones.
Nag-iisang FP na may proteksiyon laban sa HIV at mga sexually-transmitted infections (STI).
PAANO ITO GAMITIN
Gagamit ang lalaki ng isang manipis na balot na isusuot niya sa matigas niyang ari bago ang pakikipagtalik para hindi pumasok ang tamod sa ari ng kanyang partner.
TANDAAN
- !
Dapat tama ang paggamit ng condom tuwing makikipagtalik. Kailangang meron kang condom palagi.
MGA MALING AKALA TUNGKOL SA CONDOM
- Madaling masira ang condom
Ang condom ay sinisiguradong gawa sa matibay na materyales. Subalit kailangan pa ring siguruhin na ang gagamitin mong condom ay nakaselyo at ayon sa petsa ng paggamit upang makatiyak na ito ay bago at walang sira.
Mga karaniwang tanong tungkol sa CONDOM
Ang isang condom ay sapat na upang maproteksyunan kayo ng iyong partner sa pagbubuntis kung ito ay ginagamit nang tama. Kapag dalawang condom ang iyong ginamit, maaaring magdulot ito ng pagkabutas o pagkasira ng condom.
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810