Family Planning Methods
Ginagamit ang Family Planning o FP Methods upang ipagpaliban muna ang pagbubuntis o itigil ang panganganak. Narito ang iba’t ibang FP Methods na pwede mong pagpilian:
Implant
- 99% mabisa ng 3-5 taon
- Madaling gamitin at pangmatagalan
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth
Pills
- 93% mabisa
- Dapat iniinom araw-araw at sa takdang oras
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o pwedeng bilhin sa botika
IUD
- 99% mabisa mula 5-12 taon
- May pagpipilian na may hormones o walang hormones
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth
Injectables
- 96% mabisa
- Dapat nasa takdang araw ang kada iniksyon
- Libre sa pagamutan ng gobyerno
LAM
- 98% mabisa
- Epektibo lamang sa maikling panahon
Condom
- 87% mabisa kung tama ang paggamit
- Nagbibigay proteksiyon laban sa HIV at mga sexually-transmitted infections (STI)
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o pwedeng bilhin sa botika
Fertility Awareness Methods
- 85%-88% mabisa depende sa uri ng method
- Kailangang iwasan ang pakikipagtalik o gumamit ng ibang uri ng FP sa mga araw na posibleng mabuntis
Ligation
- 99.5% mabisa
- Permanente
- Libre sa ospital ng gobyerno o sakop ng PhilHealth
Vasectomy
- 99.85% mabisa
- Permanente
- Libre sa mga klinika o ospital ng gobyerno o sakop ng PhilHealth
Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!
Usap Tayo sa FP Helpline:09175970770 | 09988652810